Compre Exmas
Comprehensive Exam. Ito ang pinaka-tatakutang exam sa taong ito ng clerkship. At bakit hindi, ito lamang naman ang exam na kailangang ipasa ng bawat clerk upang makamit ang pinakamimithing MD degree na inasam-asam matapos ang 4 na taong pag-aaral. Maaring ang ibang mga exams na ibinibigay ng mga departamento ng ospital pagkatapos ng bawat rotation ay mahirap ngunit walang papantay sa bahagdan o laki ng porsyento ng compre sa pagkakalkula ng grado ng bawat clerk. Isipin mo eto: maaring hindi ka nakapasa sa mga exit exams pero pumasa ka pa rin sa katayuan mo bilang clerk dahil ikaw lamang naman ang utusan ng mga residenteng doktor, consultant, isama mo pa ang mga nars, bantay ng pasyente minsan pa pati aide eh hindi ka ba nila ipapasa sa utang na loob na lang at hirap mo, na sa kung sa minsan pa’y ikaw ang maglalabas ng pera para mabuhayan sila ng pasyente. Maaaring palagi kang late, absent o kung minsan ay out of post pero anu pa’t merong make up para ma-redeem mo lahat ng deficiencies mo pagdating sa huli, maaari ka paring magmartsa sa stage. Maaaring marami kang late, palagi kang tulog at mababa ang marka sa quizzes ng academic session tuwng sabado pero ikaw nama’y palaging present dito kasi gugustuhin mo nang matulog habang nakikinig sa mga report ng mga kaklase mo(na natutulog rin naman sa oras na ikaw na ang nagrereport) kesa utusan ka at marinig ang mataas na tinig ng "Clerk!" at umiwas sa pinakaaayawang DEMERIT. May sandamakmak kang demerit na umaabot sa hindi bababang 100 oras yata kada rotation pero kung mag-make up ka ng sabado at linggo na x3 sa mga residente mong binibilhan mo ng balot, piatos, chippy at paggawa ng kung anuanong requirements nila na iniisip mong pwede ka ng mag-apply ng residency trg ay malalampasan mo pa ang dami ng demerit mo sa pasasalamat at sangkatutak na MERIT at sa kabila pa ng lahat ng ito ikaw ay nakakatulog pa.
Pero ang compre, tsk tsk tsk …maging ano pa man, dapat pumasa at dumaan ka sa ibabaw ng lamesa ng examinasyon upang malaman ang kahandaan mo para sa lisensyura matapos mong magtapos ng medisina. Ano bang hirap ito na halos pagkakasayahin mong aralin ang 3 specialty sa loob lamang ng 3 gabi at 2 araw pagkalabas na pagkalabas sa duty sa ospital at 100 tanong lamang mula sa nagkakapalang mg libro ang magdedetermina kung ikaw ay nakapag-aral… minsan ndi mo pa natapos ang pag-aaral ng isang libro ay gugustuhin mo nang lumipat sa ibang specialty kasi natatakot kang ndi matapos ang lahat, at least nga naman evenly distributed ang alam mo. Ngunit masaklap malalaman mo sa pagbasa ng mga tanong ng eksamen na sa mga hindi nabasa nareview o natapos kinuha ang mga tanong ay, anong sakit… Maaaring nagsipabili ang ilan ng ng mga reviewers na kung tutuusin ay nakatengga rin sa lamesa sa OPD dahil sa dami ng pasyente, kung pwede lamang din na mag-decking sa paghihistory ng pasyente kada oras upang magkaroon ng sapat na oras sa pag-aaral.
Maraming nagsasabing ang mga nasa community rotation sa panahon ng Disyembre ang pinaka-mapalad para makapag-aral ngunit kung iisipin mo ay hindi rin ito ganun katotoo. Kung maraming pasyente at gawain sa ospital pagkat maraming may ubo, sipon, hika sa usok, napuputukan, nasusugatan, maraming nahihigh blood, daming nanganganak at maraming sumasakit ang ulo dahil sa dagdag gastos. Ngunit marami ring selebrasyon tulad ng holidays, birthday, wedding anniverasay, retreat, dalaw sa ospital sa dami ng naunang nabanggit na mga pangyayari at pagtitipon na kay hirap tanggihan sa mga panahong ito. Marami ang nagsisiuwi at nahihirapang bitbitin ang sandamukal na trans o libro bukod pa sa pasalubong, regalo at damit para sa mga taong kanilang mahal. Lubhang napakahirap tumanggi sa mga imbitasyon ng kapamilya o kaibigan mong Ilang buwan mo ring hindi nakita, nakakausap o nakakadaupang palad dahil sa pagkakasadlak sa trabaho sa ospital. Madalas sinasabi na lamang na mag-aaral ako pagkatapos nito upang i-comfort ang sarili, isa, dalawa at kung minsay higit pa sa limang beses na pangyayari na sa huli’y malalaman lamang 2 araw na lang examinasyon na ngunit imbitado ka parin sa binyag, reunion at kasal ng kasintahan ng bilas ng manugang ng amain ng barkada ng pinsan sa tiyahin mo na inaaanak ng lola mong kapatid ng tatay ng nanay mo sa una niyang ama… ang labo…
Sa ngayon 3 Lunes pa, nakatapos na ang Ana, Biochem at Physio… 3 linggo pa ng mas pinahirap na kulang sa tulog sa gitna ng trabaho sa ospital. 3 linggo pa at malalaman na kung sino ulit ang kukuha ng 2nd round ng compre exam at matapos ang 2 buwan ay malalaman na kung sino ang magmamartsa. Dalangin ko na lahat kaming 117 pumasa. Aral na lang tayo ulit kasi ala0una na at exam na bukas sa Community at mapalad kaming mag-internal medicine rotation sa kalagitnaan ng mas mahihirap na specialty sa medicine… WAAAAAAAHHHH…
The sked of Compre Exams
Jan 7 Jan 14 Jan 21 Jan28
0730H Physio MedEthc/Legal Med Pedia Int Med/Pscy
1000H Biochem Pharma Patho FCM
1330H Ana/Neuro/Histo Micro-Para OB-Gyne Surg/ENT/Oph
January 9th, 2011 at 10:53 pm
It’s every webmasters dream to have massive amounts of traffic isn’t it? I want to share with you a brand new program that came out Dec 28 2010 that is make people a HUGE amount of money. Go to this website and take a quick look. Mass Money Makers